Tuesday, January 18, 2005

 

Ang Karanasan ng Isang Studyante

isang kang mabuting anak pag hinde mo binibigyan ng problema ang iyong mga magulang. isa ka namang mabuting estudyante pag ika'y nakakakuha ng matataas na grado. ang gusto ng ating mga magulang ay makakuha tayo ng mga matataas na mga marka sa ating mga reprt card yun daw kase ang basehan sa "kabaitan." kung totoo ito eh di kahit na mabait ka pero bagsakin ibig sabihin nun ay isa ka nang masamang estudyante at anak dahil hinde mataas ang iyong mga grado at hinde nasunod ang ginugusto ng iyong mga magulang. mahirap mang tangapin ngunit ito ang katotohanan sa ibang pamilya. para sa akin ang pagiging isang estudyante ay ang pagkaranas ng mga bagay-bagay na makapag papatatag at ang magpapalakas ng ating isip sa mundo. marami sa ating mga estudyante ang na wawala sa landas at paminsa'y napapasama. ganito talaga ang mundo hinde lahat ng daanan na tinatapal ay tumutungo sa mabuting buhay at hinde rin ito nakapagsisigurado ng pagkatagupay. bilang isang mabuting tao (hinde estudyante, anak o kahit ano) dapat nating tandaan na tayo'y may pagkukulang at may mga abilidad na wala naman ang iba. na sasaatin ang susi ng tagumpay ng ibang tao at ang ating sariling pagtatagumpay na rin kung matututunan nating malagpasan ang pagiging mayabang at pag-iisip na tayo'y superior marahil ay marami tayong matatamong mga kadakilaan. siguro'y hinde na tayo maghihirap sa mundong ito at wala nang pagtatalunan kung sino ang higit at sino ang kulang.

etong mensahe na ito ay para mamulat ang mga pagiisip natin na kailangan natin ng tulong at ang pagkakaibigan at pagdaramayan ang magdadala sa atin sa ating mga minimithi.

greeting hello to the makers of Milo(TM) and hi to all the people who make a difference to other people's live

quote: "who are we to judge our fellow man, when we ourselves are unsure of what the truth is"- jellonicous

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?